PNP, pinabulaanan ang pagharang sa mga dumalo sa EDSA People Power Anniversary kahapon

Walang katotohanan na hinarang ng pulisya ang ilang grupo para sila ay makadalo sa pagtitipon kaugnay ng paggunita ng Edsa People Power Anniversary kahapon.

Sa report kasi ni PRO Calabarzon Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas, hinarang umano ang ilang mga jeep galing Batangas, Laguna at Cavite na lalahok sa iba’t ibang kilos-protesta kaugnay ng People Power Revolution.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hinarang ang mga ito dahil out of line ang kanilang mga dala-dalang jeep.


Aniya, hindi intensyon ng pulisya na harangin ang mga ito at wala ring katotoohan na sinisikil ang kanilang karapatan.

Ipinatutupad lamang aniya ng mga awtoridad ang batas trapiko upang maging maayos at mapanatili ang seguridad ng publiko.

Facebook Comments