Inaasahang papasok sa bansa makaraan ang tatlong araw ang dalawang sama ng panahon.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Administrator Usec. Vicente Malano na ang dalawang bagyo ay katulad ng 2 naunang pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ang tinutukoy ni Malano ay ang Bagyong Caloy at Domeng na galing sa West Philippine Sea papuntang Norte at saka dumeretso ng China.
Samantala, magpapatuloy pa rin aniya ang nararanasang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng La Niña.
Aniya partikular na maapektuhan ng mga pag-ulan ang Visayas, Bicol region, Palawan at Eastern Mindanao.
Pagtaya ng opisyal na tatagal ang La Niña hanggang sa katapusan ng taon.