Dalawang Chinese, arestado dahil sa iligal na pag-ooperate ng ospital at pharmaceutical store sa Pampanga

123

Arestado ang dalawang Chinese sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Mabalacat City, Pampanga dahil sa iligal na pag-ooperate ng ospital at pharmaceutical store.

Kinilala ng PNP-CIDG ang dalawang Chinese na sina Hu Shiling at Liu Wei na naaresto ng mga pulis nitong nakalipas na Martes sa Florida Street, Fontana Villa, Clark Economic Zone, Mabalacat City, Pampanga.


Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Arabella Eusebio- Rodolfo, Presiding Judge ng Municipal Trial Court, Clarkfield, Pampanga dahil sa pag-ooperate ng ospital at pharmaceutical store sa loob ng Clark Economic Zone, Fontana Villa, Mabalacat City sa Pampanga.

Sa ngayon, nahaharap na ang dalawang banyaga sa kasong paglabag sa Philippine Pharmacy Act.

Facebook Comments