Dalawang Chinese na suspek sa pangingidnap sa kapwa nila Chinese, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang operasyon sa Pampanga

Nasawi ang dalawang Chinese nationals matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa ikinasang operasyon sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson Police Major Rinaldo Lumactod Jr., alas-9:00 ng umaga kanina nang isagawa ang operasyon matapos na manmanan ang kilos ng mga suspek.

Ang mga suspek ay sangkot sa pagdukot sa tatlong Chinese nationals na una nang narescue ng PNP-AKG.


Sa nangyaring barilan, nasugatan si Police Captain Mike Diaz ng PNP-AKG habang naisugod pa sa ospital ang dalawang suspek na Chinese pero namatay din.

Nakuha sa pinangyarihan ng barilan ang dalawang caliber 45 pistol, isang M4 5.56 caliber at isang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa pangingidnap sa mga biktima.

Sinabi ni Lumactod, natunton ang kinaroroonan ng mga suspek matapos na una nang maaresto ang dalawa nilang kasamahan nitong June 6, 2020 sa Pasay City.

Facebook Comments