Dalawang crew ng nasunog na barko sa Cebu City kanina, na-rescue ng PCG

88

Matagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga crew ng nasunog na barko sa Shell Island, Cebu City kaninang madaling araw.

Ito ay matapos na agad na i-deploy ng PCG ang BRP Suluan para apulahin ang apoy sa engine room ng barko na patungo sana ng Ouano Wharf sa Mandaue City, Cebu.


Pagdating ng mga tauhan ng PCG sa vicinity waters, agad itong nagsagawa ng medical evacuation sa dalawang sugatang crew members ng MTUG Super Shuttle 3 na nagtamo ng first hanggang second degree burns.

Agad silang inilipat sa PCG ambulance sa Pier 3, Cebu City at saka isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Kasabay nito, agad din na pinasok ng Coast Guard personnel ang engine compartment ng barko para apulahin ang apoy at nang tuluyan itong mag-fireout, hinila na ang nasunog na barko patungo ng Ouano Wharf sa Mandaue City.

Facebook Comments