PNP, nakapagtala ng isang patay sa Cagayan Valley sa pananalasa ng Bagyong Quinta

58

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na isa na ang nasawi dahil sa Bagyong Quinta.

Sa report na natanggap niya, isa ang nasawi sa Cagayan Valley o Region 2.


Sa ngayon, inaalam pa ng PNP ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Sinabi pa ni PNP Chief na umabot na sa 40,682 ang mga inilikas dala ng Bagyong Quinta.

• 88 sa Cagayan
• 3,542 sa CALABARZON
• 571 sa MIMAROPA
• 36,456 sa Bicol Region
• 25 sa Eastern Visayas Region

Habang 3,558 naman ang mga stranded.




• 75 sa CALABARZON
• 991 sa MIMAROPA
• 1,898 sa Bicol Region
• 594 sa Eastern Visayas

Facebook Comments