Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang dalawang dose ng COVID-19 vaccines ay nakakapagbigay ng matibay na proteksyon laban sa Delta variant.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, mahalagang makumpleto ng mga tao ang kanilang two-dose vaccination para maprotektahan sila laban sa mga variant.
Batay sa mga pag-aaral, sinabi ni De Guzman na ang Pfizer-BioNTech vaccine ay 88% na epektibo at napipigilan ang symptomatic infection laban sa Delta variant.
Ang efficacy rate naman ng AstraZeneca ay nasa 66%.
Ang iba pang vaccine brands ay nagpapakita ng higit 50% efficacy laban sa Delta variant.
Ang Delta variant ay kumalat na sa halos 100 bansa mula sa unang kaso nito na na-detect sa India.
Sa ngayon, ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas ay nananatili sa 19.