Dalawang estudyante ng kilalang Unibersidad huling nagbebenta ng ecstasy

Timbog ang dalawang half Japanese student na nagsu-supplay ng iba’t-ibang uri ng ‘party drugs’ sa mga estudyante ng DLSU sa ikinasang operasyon ng Southern Police District (SPD) sa lungsod ng Makati.

 

Hindi na muna tinukoy ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang mga nadakip na suspek.

 

Kapwa naninirahan sa isang condominium sa Cityland 9 Dela Rosa St, Pio Del Pillar Makati City.


 

Nabatid na kumuha ng serbisyo ng angkas ang mga suspect para magdeliver ng party drugs. Sa tulong ng concerned angkas driver, sa halip na sa pagdadalhan dumiretso sa PCP sa Makati at nang buksan ng mga pulis nakita na naglalaman ng ecstasy,

 

Agad na nagkasa ng operasyon at natunton ang condo unit, party drugs, shabu at paraphernalia.

 

Sa ngayon nasa halos P2-M na ang halaga ng mga nasabat na party drugs.

Facebook Comments