Dalawang foreign ambassador, haharap kay Pangulong Marcos mamayang hapon

Haharap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mamayang hapon ang dalawang foreign ambassador para sa kanilang farewell call.

Nakatakda ang farewell call ni Ambassador of Sweden to the Philippines Annika Thunborg ng alas-2:00 ng hapon, na nagsimula ang tour of duty noong October 2021.

Bago naman naitalaga bilang Ambassador sa Pilipinas ng Sweden ay naging Ambassador muna ito sa Mexico.


Magtatapos na din ang tour of duty ni Papua New Guinea Ambassador to the Philippines Betty Palaso na magiging high commissioner to the United Kingdom.

Nagsimulang maging ambassador ng Papua New Guinea sa Pilipinas si Betty Palaso taong 2019.

Facebook Comments