Dalawang holdaper tiklo makaraang mangholdap

Arestado ng mga barangay officals ng barangay Poblacion mother at ng PP1 ang dalawang holdaper matapos holdapin ang isang sari-sari store sa buliao 1 sa nasabing barangay kahapon ng tanghali.
Kinilala ang mga suspect na sina Abubakar Usman Wahab alyas dennis, at Julkain Candao alyas Bogart na taga Buliao din…
Ayon sa report ng biktimang si Faizal Kader Adil 41 anyos, nagpanggap na customer ang mga suspect at nagdeklara ng holdap, nakulimbat ang kinita nito na 1500 pesos, cellphone at sling bag na naglalaman ng mga pabango.
Mabilis na nagsumbong sa mga tanod ang biktima at tumawag ng pulis na nagresulta sa pagkahuli ng dalawa..Silay nakakulong na at sampahan ng kasong robbery holdap.

Facebook Comments