Dalawang international flight, kinansela ng United Airlines ngayong araw

Bukod sa Cebu Pacific at Cebgo, dalawang international flight ang kinansela ng United Airlines ngayong araw dahil sa aktibidad ng Mt. Bulusan.

Kabilang dito ang dalawang flight ng UA-184/183 mula Manila patungong Guam at pabalik ng Manila.

Samantala sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng media affairs division apat naman ang kanselado sa domestic flights ng Philippine Airlines (PAL) Express kabilang ang flight’s 2P 2923/2924 Manila-Legazpi-Manila, 2P 2919/2920 Manila-Legazpi-Manila.


Ang mga naturang kanselasyon ay bunsod umano ng patuloy na pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag ugnayan sa kanilang airlines para sa panibagong flight schedule.

Samantala ipinagpaliban ng apat na airlines company ang kanilang international flight na naka-schedule sana ngayong araw dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Bulusan.

Bukas na itutuloy ang flight ng Jeju Air kabilang ang flight 7C 2305 mula Incheon-Manila at flight 7C 2306 Manila-Incheon.

Ganun din ang Jetstar Asia flight 3K 1765 mula Singapore-Manila at flight 3K 1766 Manila to Singapore.

Kanselado din ngayong araw at bukas itutuloy ang flight schedule ng Asiana Airlines flight OZ 703 mula Incheon to Manila at OZ 704 mula Manila-Inchon.

Ganun din ang Korean Air flight KE 623 mula Incheon-Manila at KE 624 mula Manila-Incheon.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para alamin ang update ng kanilang flight schedule bago magtungo ng paliparan.

Facebook Comments