TCP, nagpaabot ng pagbati sa bagong secretary ng DOT

53

Nagpaabot ng pagbati ang Tourism Congress of the Philippines (TCP) kay incoming Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na maninilbihan sa pagpasok ng administrasyong Marcos.

Ayon kay TCP President Jose Clemente III, malawak ang karanasan ni Frasco sa local government kaya kumpiyansa silang maipagpapatuloy nito ang pagbangon ng industriya at magagabayan sila anuman ang dumating na hamon.

Ikinalulugod aniya ng grupo ang mga pahayag ni Frasco hinggil sa pagbuo ng safety nets para sa turismo na makatutulong sa stakeholders laban sa kalamidad at iba pang krisis na darating.


Iginiit ni Clemente na naniniwala silang hindi magtatagal ay babalik na sa pre-pandemic levels ang sektor dulot ng liderato ni Frasco.

Titiyakin din umano ng stakeholders na magkakaroon ito ng maayos na relasyon sa gobyerno ngayong napatunayan na ang matagumpay nitong epekto sa turismo.

Facebook Comments