Sugatan ang isang rider at backride nito matapos sumalpok sa kasalubong na SUV sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Banog Norte, Bani, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, patungong bayan ng Bani ang SUV habang patungo naman sa Alaminos City ang mga biktima nang mag-lock umano ang preno ng sinasakyan nilang motorsiklo.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang motorsiklo at sumalpok sa kasalubong na SUV.
Sugatan ang dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ngunit agad ding nadala sa pagamutan.
Tinutukoy pa ng awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala mula sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










