Dalawang farmer cooperatives mula Barangay Inlambo, Mangaldan ang sumailalim sa hands-on training sa paggamit ng modern farm machinery sa isinagawang demonstrasyon ng Department of Agriculture–Regional Field Office 1 (DA-RFO1) at Municipal Agriculture Office (MAO) noong Disyembre 1.
Sa aktibidad, ibinahagi sa mga magsasaka kung paano nakatutulong ang makabagong makinarya upang mapabilis ang pagtatanim at makatulong sa pagtaas ng kanilang kita.
Ipinakita ang ilang bahagi ng proseso upang mas madaling maunawaan ang mga benepisyo ng mechanized farming.
Ipinakilala rin sa kanila ang crop diversification o ang pagtatanim ng iba’t ibang pananim sa iisang lupain upang mapalawak ang alternatibong mapagkukunan ng kita at mapataas ang productivity.
Katuwang sa aktibidad ang ilang ahensya na nagsagawa ng pagsusuri sa Traditional Planting at Mechanized Method upang malaman kung alin ang mas epektibo at mas kapaki-pakinabang sa kasalukuyang pangangailangan ng mga magsasaka.









