DALAWANG LALAKI, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA CALASIAO

Timbog and dalawang lalaking residente ng Calasiao sa isang buy-bust operation kahapon, Enero 20, 2026.

Katuwang ang PDEA Region 1, nasamsam sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na may kabuuang timbang na 14.30 gramo, na may halagang ₱97,240.

Kasama rin sa mga nakuha ang ibang non-drug evidence, kabilang ang buy-bust money at isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa tanggapan ng pulisya at nakatakdang humarap sa kaso ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa pulisya, ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Pangasinan PNP laban sa iligal na droga at sa pagpapanatili ng isang ligtas at drug-free na lalawigan.

Facebook Comments