Dalawang lalaking tulak umano ng droga, arestado sa buy-bust operation sa Pasig City

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng iligal na droga sa Pasig City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-4:00 ng hapon kahapon, Hunyo 24, 2020.

Nakilala ang mga suspek na sina Joselito Fernandez Dela Cruz, 50-anyos, isang security guard at Rogelio Madrid Lompero, 50-anyos.

Nakuha mula sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000.


Maliban dito, narekober din ng mga pulis ang P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, cash na P1,500, at isang baril na .38 caliber.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Rosario matapos makumpirma ang illegal drug transaction ng mga suspek.

Nakakulong na ang mga suspek sa Pasig City Philippine National Police Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments