Dalawang Magsasaka, Arestado sa Pagbebenta ng Shabu

Mallig, Isabela- Sa pagtutulungan ng PDEA at PNP Mallig, nadakip ang dalawang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga dakong alas diyes kwarentay otso ng gabi kahapon, Febuary 04, 2018.

Kinilala ang mga suspek na kapwa magsasak na sina Rolly Cendaña, 39 anyos residente ng Barangay Siempre Viva at si Julius Bulusan, 21 anyos at residente naman ng Barangay Olango, Mallig Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP Mallig, aktong inaabot ni Cendaña at Bulusan ang isang sachet ng hinihilang shabu sa nagpanggap na bibili ng maaresto ang mga ito.


Nagbigay umano ng senyales ang pulis na nagpanggap bilang buyer sa pamamagititan ng pagpapailaw ng kanyang flashlight tanda na ang transaksyon ay sinisimulan at agad namang rumesponde ang kasamang pulis na nakapaligid sa lugar ng insidente.

Narekober sa mga suspek ang buy bust money na may serial number na S735183 at isang plastic na naglalaman ng white crystalline na isasailalim sa laboratory.

Nasa kustodiya na ng PNP ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments