Dalawang most wanted person ng Sta. Ana Police Station sa Maynila, arestado

35

Naaresto na ang dalawang lalaki na itinuturing na Number 13 at 18 most wanted person ng Sta. Ana Police Station o Manila Police District (MPD) Station 6.

Una nasakote ng mga otoridad ang No. 13 most wanted person na si Rodelio Saclo Jr. alyas “Nognog”, isang tricycle driver at residente ng Bambang Street sa Tondo, Maynila.


Si alyas ‘Nognog’ ay dinakip dahil sa kinakaharap nitong kasong murder.

Sunod na nadakip ang No. 18 most wanted person na si Ronald Dacoycoy, 30-anyos at residente ng Pasig Line sa Sta. Ana.

Si Dacoycoy na nasakote sa may bahagi ng Oro B Street ay nahaharap naman sa kasong pagnanakaw sa Makati pero maaaring makapag-piyansa sa halagang P10,000.

Facebook Comments