
Arestado ang isang Regional Most Wanted Person at isang Municipal Most Wanted Person ng Pangasinan Police Provincial Office sa magkahiwalay na lugar sa Zambales at Pangasinan noong Linggo, Disyembre 8.
Sa Zambales, inaresto ng mga tauhan ng Bolinao Municipal Police Station ang isang 54-anyos na barber sa Botolan na kinilalang ika-8 Regional Most Wanted. Siya ay nahaharap sa kasong Statutory Rape at paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, pati na rin sa kasong Lascivious Conduct.
Samantala sa Pangasinan, naaresto naman ng San Jacinto Municipal Police Station ang Top 3 Most Wanted Individual ng bayan ng San Jacinto. Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Section 11 of RA 9165 (Illegal Possession of Dangerous Drugs), Section 12 of RA 9165 (Possession of Equipment, Instruments, Apparatus, and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs), and RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition).
Ayon sa tala ng pulisya, nagkaroon ng armadong engkuwentro matapos makilala umano ang mga tumutugis na kapulisan sa kanya kung saan siya ay nasugatan sa kaliwang binti. Agad siyang dinala sa ospital sa Dagupan City para sa lunas.
Narekober mula sa suspek ang isang .38 caliber revolver na walang serial number at may tatlong bala.
Samantala, patuloy naman ang pagpapaigting ng operasyon ng Pangasinan Police Provincial Office upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









