Dalawang motorsiklo ninakaw sa lungsod

*Isang single motorcycle na naman ang ninakaw ng mga kawatan ng motorsiklo dito sa lungsod kung saan natangay ang Kawasaki Bajaj na kulay pula na may plakang 6589-MJ na pag-aari ni Kalid Sandab Katong 37 anyos na school utility at residente ng barangay Poblacion 8 ng lungsod.*
*Ayon sa blotter nito sa PP2, may inaayos umano na tulay sa bahagi ng Kakar sa poblacion 8 at hindi makatawid ang kanyang single motorcycle patungo sa bahay nito, kayat kanyang iniwan na lang ang Bajaj sa tabi ng daan mga 20 meters ang layo sa kanyang bahay.*
*Pagsapit ng alas 4 ng madaling araw kahapon ng balikan niya ang motorsiklo ay nawawala na ito at posibleng ninakaw ng mga carnapper…Hanggang sa pag-uult na ito ay hindi batid kung nasaan dinala ang naturang Kawasaki Bajaj.*
*Samantala isang honda XRM 125 na kulay blue ang kinarnap din habang nakapark sa tapat ng Headstart sa Japal Guiani Sr street. Itoy Pag-aari ni Mohamad Sali 21 anyos ng Tukananes Poblacion siyete.*
*Pinaalalahanan ngayon ni City Director Col.Rolly Octavio ang mga cotabatenyo na huwag iwan ang motorsiklo ng matagal at dapat lagyan ng kadena ang motorsiklo.*

Facebook Comments