Dalawang Pinoy na minaltrato sa Chinese fishing vessel, dumulog sa Philippine Embassy

Manila, Philippines – Dumulog sa Philippine Embassy sa Buenos Aires ang dalawang Filipino seafarers matapos silang i-maltrato sa pinagta-trabahuhang Chinese fishing vessel sa Uruguay.

Kinilala ang Pinoy seafarers na sina Ried Joed dela Cuesta at Justin Eric Hernandez.

Kapwa hiniling ng dalawang OFWs na mapauwi na muna sila sa Pilipinas para makapiling ang kanilang pamilya.


Agad namang prinoseso ng embahada ang repatriation ng Pinoy seafarers at napadali ang kanilang pag uwi sa Pilipinas.

Facebook Comments