Dalawang police trainee sa Rodriguez, Rizal, sinibak matapos ireklamo ng kasong panggagahasa

Nakakulong na ngayon ang dalawang police trainee ng Rodriguez Municipal Police Station matapos umano nilang halayin ang 23 taong gulang na biktima.

Nakilala ang mga suspek na sina police trainee AJ Magsino at police trainee Jack Marquez.

Batay sa imbestigasyon, off-duty na ang dalawa nang magkayayaang tumakas sa kanilang quarters para mag-inuman sa labas.


Inimbitahan umano ni Magsino ang biktima na kanyang textmate at saka inaya na mag- check-in sa kalapit na motel.

Dito na umano nagwala ang biktima at dumulong sa istasyon ng pulisya.

Agad namang inaresto ang dalawa na sinampahan na ng kasong rape.

Maliban sa kasong kriminal, umuusad na rin ang kasong administratibo para tuluyan na silang materminate bilang mga police trainee sa regional training center ng PRO-4A.

Samantala, under restrictive custody naman sa Rodriguez MPS ang 10 pa nilang kapwa trainee na kasama nila sa quarters habang pinagpapaliwanag din ang 3 pulis na nakatalaga bilang mga bantay.

Handa naman daw ang Rodriguez Police na bigyan ng proteksyon ang biktima para magpatuloy ang kaso laban sa mga suspek.

Facebook Comments