Dalawang pulis, patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Antipolo at Maynila

Manila, Philippines – Patay ang dalawang pulis sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa Rizal at Tondo, Maynila.

Tinambangan sa kahabaan ng Antipolo, Rizal ng hindi kilalang mga suspek ang biktimang si PO3 Rodolfo Villoso na nakatalaga sa anti-drug operations ng PNP kung saan mahigit sa apatnapung bala ang tumama sa katawan nito.

Samantala, nagtungo lamang sa Parola Compound sa Tondo, Maynila si PO1 Marly Montemayor ng Manila Police District nang bigla na lamang itong pinagbabaril ng suspek na nakilalang sa alyas na Kid Patrick.


Napatay din sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Kid Patrick habang nakatambay ito sa Binondo.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad kung may kinalaman sa kanilang trabaho ang nasabing pagpatay sa mga biktima.

Facebook Comments