Sugatan ang dalawang kasapi ng 57th Infantry Battalion matapos mahagip sila ng Roadside bomb o Improvised Explosive Device na itinanim ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighter kaninang 7:34 ng umaga sa municipal ng road ng barangay Limpongo Datu Hofffer patungo sa Maguindanao Provincial Police Office headquarters.
Kinilala ang sugatan na sina PFC Nelmar Acaso at PFC JohnMark Roquero, na nagtamo ng mga sharpnel wounds..Ayon sa salaysay ng kasamahan ng mga biktima, sakay sila sa KM Military truck pababa na sana sila mula sa pagresponde nila sa mga hinarass na sibilyan kagabi sa Mt.Firis ng sumambulat ang IED.
Mabilis namang isinugod sa Maguindanao Provincial hospital ang mga sugatan para malapatan ng lunas…Kagabi dakong alas siyete ng sumiklab ang bakbakan sa Mt.Firis makaraang atakehin ng BIFF under kay Commander Bongos faction ang position ng militar at civilian sa naturang bundok.
Kagabi din isang IED dina ng sumabog sa shariff aguak na ikinasawi ng isang pulis at pagkasugat ng limang kasamahan nito..Ilang araw ng sunod-sunod ang ginawang pag-atake ng BIFF sa nasabing area habang pa-exit na ang 2017.
Dalawang sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Maguindanao
Facebook Comments