Tuesday, March 10, 2026

Dalawang top most wanted persons, naaresto sa Las Piñas City

Naaresto ng Las Piñas City Police Station ang dalawang Top Most Wanted person sa lungsod para sa buwan ng Marso.

Kinilala ang unang naarestong suspek na si alyas “Emmanuel”, 41 years old, residente ng Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City.

Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Qualified Theft na inisyu ni Judge Rowena Nieves Adena Tan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 118, Pasay City.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Samantala, naaresto rin si alyas “Dong,” 54 years old, residentecng Masipag Street, Brgy. CAA, Las Piñas City na Top 7 Most Wanted Person station level.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leilani Marie N. Dacanay-Grimares, Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 294, Parañaque City.

May inirekomendang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Nakaditine na ang dalawa sa Station Custodial Facility ng Piñas City Police Station habang hinihintay ang pag-iisyu ng Commitment Orders mula sa korte.

Facebook Comments