LIMANG PAARALAN SA UMINGAN, PIONEER NG DAP-AYAN COMMUNITY LEARNING CENTER SA REHIYON UNO

Limang paaralan sa Umingan, Pangasinan ang naging pioneer ng DAP-AYAN o Community Learning Center sa buong Region 1, na inilunsad noong Nobyembre 26 sa Don Montano Central Integrated School.

Kabilang sa mga pioneer school ang Don Montano Central Integrated School, Cabangaran Integrated School at Gonzales Elementary School sa Umingan District II, at Umingan Central Integrated School at Flores Elementary School sa District I.

Ayon kay DepEd Region 1 Director Dr. Estela P. Leon-Cariño, sa pamamagitan ng mga pasilidad ay inaasahang mahikayat ang pagkatuto labas ng tradisyunal na classroom ng mga mag-aaral.

Samantala, bilang unang limang paaralan sa rehiyon na nagkaroon DAP-AYAN, makakatanggap ang mga ito ng reward para sa paggamit ng community learning centers.

Naitayo ang mga pasilidad sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng Umingan, mga barangay officials, Parent-Teacher Association at iba pang community stakeholders. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###

Facebook Comments