Thursday, November 26, 2026

Nalalapit na Bonifacio Day sa Nov. 30, sasalubungin ng pambansang kilos-protesta ng All Workers Unity at iba pang kasaping grupo

COURTESY: Kilusang Mayo Uno

Inilatag ng All Workers Unity at mga kaalyadong grupo ngayong Huwebes ng umaga, November 26, ang petsa at mga isyung ipaglalaban nila sa ikakasang pambansang pagkilos sa nalalapit na Bonifacio Day, November 30.

Kabilang dito ang mga isyu na umano’y binabalewala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gaya ng pagtutol ng taumbayan sa pagtatayo ng Pax Silica sa Tarlac, malawakang korapsyon, hindi pagtatas ng sahod ng mga manggagawa at iba pa.

Samantala, mula bukas, November 27, ay magkakasa na ang mga manggagawa ng Black Friday protest sa iba’t ibang protest center, kabilang na sa Boy Scout Rotonda at sa Delpan sa Maynila, habang mula sa darating na Sabado, November 28 hanggang sa Bonifacio Day, November 30 naman magkakasa ng tatlong araw na pagkilos ang mga manggagawa at kaalyadong grupo sa Central Luzon, partikular sa Bulacan, Pampanga, Zambales, at Tarlac.

Sa kabilang banda, magsisimula naman ang kanilang pagkilos sa Bonifacio Day sa pamamagitan ng pagmartsa sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ng aabot sa 10,000 raliyista, papunta sa Liwasang Binifacio para sa isang programa simula alas-8:00 ng umaga, saka sila magmamartsa papunta sa Mendiola o sa Malacañang.

Facebook Comments