Daloy ng trapiko sa NLEX at SCTEX, nananatiling manageable

25

Nananatiling maluwag pa ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay NLEX/SCTEX traffic senior manager Robin Ignacio, inaasahang sa Miyerkules pa magsisimula ang dagsa ng mga motorista.


Noong Biyernes ay nagdagdag na ng toll tellers at patrol crews ang management ng NLEX at SCTEX dahil sa inaasahang Holy Week exodus.

Sabi pa ni Ignacio, nagbukas na rin sila ng 29 toll lanes.

Sa April 17, Miyerkules alas-6:00 ng umaga hanggang April 22, alas-6:00 din ng umaga, mayroong libreng towing services para sa mga light vehicles.

Muli namang nanawagan ang pamunuan ng NLEX/SCTEX sa mga motorista na ikondisyon ang kanilang mga sasakyan pati na ang sarili sa pagbiyahe ngayong Semana Santa.

Facebook Comments

From Advertisers