Kinagigiliwan ngayon ng mga residente ng Bayambang ang Isang traffic enforcer dahil sa kaniyang the moves habang nagmamando ng trapiko.
Si Marc Angelo, isang dancing traffic enforcer, ay ginawaran kamakailan ng plaque of recognition bilang pagkilala sa kanyang mahusay na serbisyo sa bayan.
Bagamat madalas na nabababad sa init ng araw, hindi ito alintana para sa kanya, na patuloy na nagsisilbi ng tapat upang maayos ang daloy ng trapiko.
Labis namang ikinatutuwa ng mga motorista ang kanyang pagsasayaw, na nagsisilbing aliw at nakatutulong upang maibsan ang init ng ulo dulot ng mabigat na trapiko.
Si Marc ay naging inspirasyon sa marami, hindi lamang sa kanyang mga katrabaho kundi pati na rin ang ibang tao, dahil sa kanyang positibong imahe at pagmamahal sa kanyang tungkulin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨