Daniel Cabrera, boy viral FB post, nakapagtapos na ng grade school sa Cebu

Image via Joyce Terrafranca on Facebook

Nakapagtapos na ng grade school ang viral noon na si Daniel Cabrera sa isang facebook post na nakuhanan siya habang nag-aaral sa tapat ng Mcdonald’s North Reclamation branch sa Mandaue City.

Noong 2015, ibinahagi ito ni Joyce Terrafranca, isang student sa Mandaue City, sa isang Facebook post na may caption na “I got inspired by a kid.”

Pagkatapos na nag-viral ito sa internet ay agad na nagbigay tulong ng scholarship ang isang lokal na politician at binigyan siya ng grant ng sponsors upang makapag-umpisa ng negosyo.


Ngayon ay 13 taong gulang, nakapagtapos na siya ng elementarya sa Subangdaku Elementary School at Grade 7 na sa susunod na pasukan.

Patuloy pa ring sinusuportahan si Daniel ng Ronald McDonald House of Charities (RMHC) sa pamamagitan ng pagbibigay ng school supplies, allowance at uniform.

“I didn’t think that a simple photo can make a huge difference. Thank you guys for sharing the photo. With that, we were able to help Daniel in reaching his dreams. I hope Daniel’s story will continue touching our hearts so that we will always be inspired and motivated in every situation we face in life,” pahayag ni Joyce sa kaniyang facebook post noong 2015.

Facebook Comments