Maliban sa sahod, isang dahilan kung bakit nananatili sa trabaho ang mga empleyado ay promosyon.
Bahagi ng promosyon ang magandang working performance. Pero ayon sa mga eksperto, hindi dapat sobrang tagal ang pag-angat ng isang empleyado.
Ayon kay Ian Siegel, CEO ng ZipRecruiter, layunin dapat ng mga kumpanya na mag-promote kada ikatlong taon.
“If you aren’t moving up after three years, there is a problem,” aniya.
Habang nadagdagan ang responsibilidad sa trabaho, kailangan nagbabago rin ang iyong position.
“Ask for what you want and negotiate for what you want. I don’t think it looks great if your title hasn’t changed for seven years” sabi ni Kathy Caprino, isang career and executive coach.
Palaging maging handa sa promosyon. Kailangan intindihin ang karagdagan tungkulin at pagbabago sa oras ng trabaho kapag pinagtibay na ang bagong titulo.
“I’ve had many people who thought they should be promoted and wanted to be promoted and then they got promoted — usually into a managerial position — and then say, ‘what the hell did I want this for?'” ani Peggy Klaus, author of “Brag! The Art of Tooting Your Own Horn Without Blowing It”.
Unawain ang kasaysayan ng organisasyon at kung paano ito naitayo. Ito ay maaring maging batayan kung gaano katagal nagpropromote ang kumpanya.
“Every organization is a living, breathing system — with its own rules and processes that govern how it functions and operates. Ask those who’ve worked there for years and have been successful to share with you the unspoken rules, as well as the stated guidelines”, dagdag pa ni Caprino.
Kapag hindi ka pinagbigyan sa iyong hiling, humingi ng ibang benepisyo na magpapaganda ng iyong career growth. Kung kinakailangan, huwag mahiyang magtanong sa paghingi ng mas flexible work schedule, dagdag sweldo o oportunidad na makapagtrabaho sa ibang departamento para mahasa at magkaroon ng bagong kaalaman.
Kahit hindi napromote pero ginawa ang mga trabahong hindi pasok sa iyong job description, isama pa rin ito sa resume. Sa ganitong paraan, makikita ng mga recruiter ang status ng career growth ng aplikante.
“Explain how your responsibilities have changed even if you held the same role,” paliwanag ng executive coach na si Joel Garfinkle.