Dating Alkalde sa Flora, Apayao, Patay sa Pamamaril

Cauayan City, Isabela- Patay ang dating Mayor at dating bise alkalde ng bayan ng Flora sa Lalawigan ng Apayao makaraang pagbabarilin sa loob ng isang restaurant sa naturang probinsya.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakikipag -inuman sa mga kaibigan ang biktima na si Richard De San Jose nang biglang lapitan ng dalawang lalaking nakasuot ng camouflage at binaril sa katawan ang biktima.

Pasimpleng naglakad ang dalawang suspek at agad na umalis sa lugar matapos ang pamamaril.


Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawain na ito ng buhay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek para sa kanilang agarang ikadarakip.

Facebook Comments