Arestado ang isang dating barangay chairman matapos ang ikinasang Search Warrant operation sa kanyang bahay kaninang alas dos ng madaling araw sa Kapinpilan mother barangay Kalanganan ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-ARMM, CCPO,PP4, at 5th Special Forces battalion. Ang Search Warrant ay pirmado ni Hon.Judge Banzawan Ibrahim ng RTC Branch 13, Kinilala ang target sa operasyon si former Kalanganan 1 chaiman Alladin Matabalao Darping, na nakuhanan ng 83 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 103,000 pesos,at bankbook. Nabulaga ang suspect sa maagang pagdating ng otoridad at hindi na siya nakatakas at nakapalag.Siyay nakapiit nasa lock-up cell ng PDEA-ARMM at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.
Facebook Comments