Dating BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, naghain ng counter-affidavit sa DOJ kaugnay ng Lapid-Villamor killings

Naghain na ng kanyang counter affidavit sa Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors si Ricardo Zulueta; dating deputy security officer ng Bureau of Corrections (BuCor) at isa sa respondents sa reklamong pagpatay kay broadcaster Percy Lapid at inmate Jun Villamor.

Sa limang pahinang kontra salaysay ni Zulueta, iginiit nito na wala siyang anumang natatanggap na kautusan mula kay suspended BuCor Chief Gerald Bantag para gumawa ng krimen.

Itinanggi rin ni Zuleata ang akusasyon ng inmate na si Aldrin Galicia na sangkot siya sa krimen.


Aniya, mayroong CCTV footage na magpapatunay na kasinungalingan ang akusasyon laban sa kanya.

Ipinadala ni Zulueta ang kaniyang counter affidavit sa DOJ sa pamamagitan ng courier.

Facebook Comments