MANILA – Hindi pag kutsya at batikos ang pakay ng grupo ng mga mangingisda, mag sasaka nang sila ay mag sagawa ng pag kilos sa harap ng department of Agrarian Reform kaninang umaga.Kasabay ng ikasandaang araw ng pamumuno ng Duterte Administration, ipinakita ng 300 daang mga mangingisda at mag sasaka mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao na tama ang pag pili kay Sec. Paeng Mariano para iparating ang kanilang hinanaing sa Palasyo ng MalakanyangKabilang sa mga sumbong ng grupong kilusang magbubukid ng Pilipinas, ay nananatiling dehado o lugi parin umano sila sa mga land lord at maging sa foreign investors.Ilan pa sa kanilang hinaing ang pagbawi sa coco levy fund, kawalan ng batas para sa land reform at iba pa.Sa ilalim ng bagong administrasyon sa DAR, pinahintulutang makapasok ang mga magsasaka sa loob ng tanggapan.
Dating Bumabatikos, Napasugod Sa Dar Para Ipaabot Ang Suporta
Facebook Comments