16 year old high school student na sinasabing minolestiya ni sir, nag-positive sa medical examination

241

Bacolod, Philippines – Nagpositibo sa medical examination ang isang 16-year old na Grade 10 high school student ng isang eskwelahan sa Bacolod na sinasabing minolestiya ng kanilang guro na lalaki.

 

Una dito, nagrekalmo ang magulang at lola ng dalawalang menor de edad na estudyante ng Fr. Gratian Murray Integrated School sa Brgy. Granada na ang kanilang mga anak ay pinapatulog ni sir sa kanilang bahay, pinapaangkas sa motor at dinadalang mamasyal, binibigyan ng pera at may mga panahon pa na sila ang hinahalikan ng naturang guro.

 

Dahil dito, ipinailalim ng mga magulang sa medical examination ang kanilang anak at dito nagpositibo sa hymenal laceration.

 

Ngunit sa panig ng naturang mga estudyanteng babae, sinabi nila na tinutulungan lamang sila ni sir sa kanilang personal na problema.

 

Maliban sa dalawang ito, may isa pang magulang ng estudyante sa Alangilan National High School na inirereklamo din ang naturang guro.

 

Sa ngayon, hinihintay pa ang reaksyon ng guro kaugnay sa naturang akusasyon.



Facebook Comments