Cauayan City, Isabela- Pumanaw na ang dating alkalde na si Florante Ruiz o mas kilala bilang ‘PONG’ ng bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino.
Ayon kay Ginoong Joel Badongen, dating Municipal Administrator ng LGU Maddela, pasado 12:00 ng tanghali kanina ng bawian ng buhay ang dating alcalde dahil sa kanyang sitwasyon sa kalusugan.
Si Ruiz ay nagsilbi bilang bise-alkalde at kinatawan ng Vice-mayor’s League of the Philippines sa mga nakalipas na panahon.
Nanungkulan ito sa serbisyo ng higit sa 19-taon kung saan binansagan ang nasabing bayan bilang commercial hub ng Prime-Agro-Industrial & Eco-Tourism Destination sa probinsya.
Kilala rin ang bayan ng Maddela sa mataas na kalidad na quality-produced Corn, Peanut, Palay, Banana, Cassava, Wood Crafts, Fossilized Flowers, at ilan sa mga kilalang pasyalan gaya ng Governor’s Rapid.
Higit na nakilala ang bayan sa panunungkulan ng dating alkalde sa kabila ng kapistahan na ‘PANAGSASALOG Festival’.
Kinumpirma din ni Badongen na hindi COVID-19 related ang sanhi ng pagkamatay ng dating opisyal taliwas sa haka-hakang namatay ito dahil sa nasabing virus.
Isasaayos naman ng pamilya ang pagdaraos ng public viewing para sa mga gustong makita ang labi ng dating alkalde.