Dating OFW, Binaril-Patay sa Harap ng kanyang Anak

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pamamaril sa isang dating Overseas Filipino Workers (OFW) sa probinsya ng Abra noong a-uno ng Hunyo, 2022.

Sa report ng Abra Police Provincial Office, kinilala ang nasawing biktima na si Jennifer Belong,35-anyos, may-ari ng Janice Pancitan at residente ng Barangay Talogtog, Dolores, Abra.

Una rito, tatlong lalaki ang nagpanggap na customer na pumasok sa pansitan ng biktima at umorder pa ng tatlong miki noodles.

Pagkatapos maihain ang nilutong pansit, isa sa tatlong suspek ang agad na binaril ang biktima at mabilis na tumakas papalayo sa hindi matukoy na direksyon.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kasalukuyan noon na nagmemeryenda ang biktima nang barilin ito ng makailang beses sa harap mismo ng kanyang anak.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ang biktima kabilang sa abdomen, dalawa sa kaliwang leeg at isa sa kanang leeg.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril sa biktima.

Facebook Comments