Pagpapatibay ng pagkakaibigan ng China at Pilipinas tiniyak ni Chinese Ambassador Huang Xilian

45
Photo Courtesy: Philippine Coast Guard Facebook Page

Naniniwala si Chinese Ambassador Huang Xilian na lalo pang titibay ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China sa pamamagitan matibay na pagtutulungan para sa pagtataguyod ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ang pahayag ni Xilian ay kasunod ng kanyang courtesy call kay Philippine Coast Guard (PCG) Admiral Artemio Manalo Abu, kung saan nagpapasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Ayon sa ambassador na nagkaroon din sila ng constructive discussion sa pagpapalakas ng partnership at cooperation sa pagitan ng PCG.


Paliwanag ng ambassador na ang pagpapalitan at pagkakaibigan ng Pilipinas at China ay lalong magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa.

Si Ambassador Xilian ay personal na nagtungo sa tanggapan ni Commandant Admiral Artemio Abu sa national headquarters para sa kanyang courtesy call.

Facebook Comments