MANILA – Hiniling ni dating AKBAYAN Partylist Representative Walden Bello sa Commission on Elections (COMELEC) na magpalabas ng posisyon kaugnay sa nalalapit na laban ni Saranggani Representative Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa buwan ng Abril na pasok sa panahon ng pangangampanya.Ayon kay Bello – Nais niyang maglabas ng interpretasyon ang komisyon kaugnay sa nilalaman ng Fair Elections Act na nagsasabing dapat bigyan pantay na access sa mass media ang bawat kandidato.Anya, ipinagbabawal din ang paglabas sa mga programang pumapabor o kumokontra sa isang kandidato o political party pati na ang pagpapalabas sa sa anumang pelikula o dokyumentaryo sa kanyang buhay.Sinabi ni Bello –sa ilalim ng batas, dapat bigyan ng media ng parehong oras o espasyo ang bawat kandidato kaya dapat maglabas ng posiyon ang comelec sa usapin.Dapat daw ikunsidera ng poll body ang mga sirkumstansya dahil kandidato si Pacquiao bilang senador at magiging ‘advantage’ ito para sa pambansang kamao dahil tiyak na ico-cover ng media ang laban.Tiniyak naman ng COMELEC na masusi nilang pagaaralan ang petisyon ni Bello at magandang pagkakataon ito para mabigyan ng linaw ang Fair Elections Act.Ayon naman sa Election Lawyer na si Romulo Macalintal – isang premature at speculative lamang ang inihaing petisyon ni Bello sa poll body dahil base lamang sa haka-haka ang takot ng dating kongresista na lalampas si Pacquiao sa nakasaad na limit para sa print at broadcast advertisement ng mga kandidatoGayunpaman, sakaling paburan ng komisyon, posibleng ma-disqualify bilang kandidato si Pacquiao kung itutuloy pa nito ang laban sa Abril. (DZXL 558 – Aron Jay Estandarte)
Dating Partylist Representative Walden Bello, Hiniling Sa Comelec Na Maglabas Agad Ng Desisyon Hinggil Sa Inihain Nitong
Facebook Comments