Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 90 laban kay dating Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite.
Ito ay may kaugnayan sa kaso nitong cyber libel na isinampa ng dati nitong Deputy Director General dahil sa mga inilabas nito sa kanyang Facebook at Twitter accounts noong June 2019 na pag-atake dito
Base sa resolusyon na inilabas ng QC-RTC, mayroong probable cause kaya karapat-dapat itong silbihan ng warrant of arrest.
Maliban sa cyber libel, nahaharap din sa kasong carnapping at theft si Clavite na isinampa ng PIA sa Quezon City Prosecutors Office.
Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Clavite habang nasa kasagsagan ng imbestigasyon ng Special Audit Team at Fraud Audit Team na inilunsad ng Commission on Audit.
Kaugnay nito ay nakapag-isyu na ang dalawang team ng Audit Observation Memorandum kung saan nakitaan ng posibleng multi-million disallowances.