Dating pulis at isa pang kasama nito na umano’y sangkot sa pagdukot ng ilang BIR officials, patay matapos makipag- barilan sa mga pulis sa Kawit, Cavite

1305

Nasawi ang 2 kidnapper na ang isa ay dating pulis matapos makasagupa ang mga tauhan ng Cavite Police at PNP Anti Kidnapping group sa Abaya Road, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite kaninang madaling araw.

Ayon kay Police Staff Sgt. Jason Murcia, imbestigador sa kaso, magi-isyu lang sana ang Cavite Police kasama ang PNP-AKG ng warrant of arrest laban sa suspek na dating pulis na si PO2 Arlan Ranera at kasamahan nito.


Pero sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek.

Nakipag-habulan at nakipagbarilan ang mga ito sa pulis na naging dahilan ng kanilang pagkakasawi.

Sinasabing sangkot ang mga suspek sa pagdukot sa ilang tauhan ng BIR at sinasabing myembro din ng Gapos Gang.

Sinasabi ring si Aguilar ay isa sa mga nasa likod ng pagpatay kay Atty. Eduardo Torres, malinis na isa rin sa kanilang mga nabiktima.

Facebook Comments

From Advertisers