Dahil nadala sa eksena: Kylie Verzosa inaming naduraan si Maxine Medina

728
From Miss International and Miss Universe website

Binasag na ni Kylie Verzosa ang kaniyang katahimikan kaugnay sa isyung dinuraan niya ang kapwa-artista at beauty queen na si Maxine Medina sa isang eksena ng teleseryeng “Los Bastardos”.

Sa panayam ng ABS-CBN News noong Biyernes, inamin ni Miss International 2016 na naduraan niya si Medina dahil nadala siya sa naturang confrontation scene.


Ayon kay Verzosa, kontrabida siya sa nasabing soap opera kaya hindi maiwasan mangyari yun.

“You can’t help it, minsan may extra slap, sampal, nasasaktan talaga”. 

Paglilinaw ng pageant titlist-turned-actress, humingi siya ng paumanhin kay Medina at wala silang hidwaan sa isa’t-isa.

“Right after, we talked with Max and everything is okay already. Pareho kaming okay,” sambit niya.

Matatandaang pumutok ang kontrobersiya matapos magsulat ng blind item ang pinsan ni Miss Universe Philippines 2016 na si Dianne Medina hinggil sa insidente.

(BASAHIN: Kylie Verzosa dinuraan si Maxine Medina sa taping ng Los Bastardos?)

Napansin din ng ilang fans at netizens na iniunfollow ni Maxine si Kylie sa Instagram.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na reaksyon ang batchmate ni Kylie sa Binibining Pilipinas tungkol sa kumalat na balita.

Facebook Comments

From Advertisers