Dating sundalo may Warrant of Arrest arestado ng City PNP

Isang dating sundalo ang naaresto ng mga elemento ng PP2, CIDG at CCPO dahil itoy may outstanding warrant of arrest . Kinilala ang nahuli nasi Ex Corporal Jerus King Mangubat Alumisin na residente ng Sta.Felomina street barangay RH-8, na nahaharap sa kasong Malversation of public property na may criminal case number 2016-8080, na ang warrant of arrest ay ipinalabas ni RTC-12 Branch 13 Hon.Judge Banzawan Ibrahim. Ang korte ay nagtakda ng bailbond sa suspect ng 40,000 pesos.Siyay nahuli sa kanyang bahay na pinangunahan ni PCI Efren Salazar..Hindi na nakapag ang suspect na ngayon ay nakapiit nasa lock-up cell ng PP2 at ihaharap sa korteng nagpalabas ng warrant of arrest.

Facebook Comments