Kumpiyansa si dating Vice Presidential candidate Walden Bello na maipapanalo niya ang kasong cyber libel, na inihain ng dating Davao City Chief Information Officer na si Jefry Tupas.
Ayon kay Bello, hindi makatwiran ang naturang kaso dahil ito ay walang basehan at hindi umano matatago ang katotohanan.
Matatandaang inaresto si Bello ng mga awtoridad noong Lunes, Agosto 8 sa kanyang tahanan sa Quezon City dahil sa dalawang counts ng paglabag sa RA 10175 o ang Cyber Crime Prevention Act of 2012.
Kinasuhan ni Tupas ng cyber libel si Bello matapos nitong ihayag na siya ay sangkot sa ilegal na droga.
Nakalabas si Bello sa Camp Karingal noong Martes, Agosto 9, matapos nitong magbayad ng piyansa.
Facebook Comments