Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, may hamon kay Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Hinamon ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na patunayan ang alegasyong tumanggap sila ng pera mula sa negosyanteng si Sammy Uy nang bise alkalde pa siya ng Davao.
Base sa alegasyon ni Trillanes, umabot sa 118-milyong piso ang natanggap ng pamilya Duterte mula october 2011 hanggang april 2013.
Si Sammy Uy ay may-ari ng isang appliance center sa Davao na isa sa pinakamalaking campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong eleksyon.
Aminado naman si Mayor Duterte na kakilala nila si Uy.
Pero aniya, dapat magpakita ng ebidensya si Trillanes sa mga bintang niya sa kanilang pamilya.

Facebook Comments