Mayor Lopez hindi binigyan ng Special Treatment ng PDEA

General Santos City— walang naging problema sa unang gabi ni Maasim Mayor Anecito Lopez sa detention cell ng Philippine Drug Enforcement Agency. Ito ang sinabi ni PDEA-12 Regional Director Gil Cesario Castro.

Sinabi nito na walang special treatment na binigay ang kanilang tanggapan sa nasabing alkalde. Kinumperma din ni Castro na may nakatokang operatiba ng PDEA na nagbabantay kay Mayor Lopez sa Lock-up cell simula pa kahapon.

Napag-alaman na dagsa simula pa kahapon ang mga kamak-anak at supporters ni Mayor Lopez sa tanggapan ng PDEA para damayan ang alkalde pero pagsapit ng gabi, hindi na sila pinayagan na tumagal dahil narin sa ipinatutupad na security ng PDEA.


Samantala, isinailalim na kahapon sa Drug test si Mayor Lopez pero sinabi ni Castro na hindi pa nakarating sa kanyang opesina ang resulta ng drug test. Sa Lunes ng Umaga ay nakatakdang sasampahan na ng kasong paglabag sa Sec. 10, 11 at 12 ng RA 9165 ganon din ng RA 10591 ang alkalde.

Facebook Comments