Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Oriental, alas-4:13 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng pagyanig sa timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental.

May lalim itong tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Bagama’t walang naitalang mga pinsala, sinabi ng Phivolcs na asahan naman ang mga aftershock.

Facebook Comments