Nakatakdang magsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, katuwang ang Land Transportation Office (LTO), ng dayalogo o oryentasyon sa mga may-ari ng e-bike at e-trike sa bayan.
Planong talakayin at linawin sa naturang aktibidad ang mga patakaran sa paggamit ng naturang sasakyan alinsunod sa nakatakdang limitasyon sa paggamit nito sa mga national highways at ilan pang kinakailangang dokumento ng mga driver.
Gaganapin ito sa Disyembre 17, 2025, alas-dos ng hapon, sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng pulong na ipaliwanag ang umiiral na alituntunin upang matiyak ang ligtas, maayos, at responsableng paggamit ng e-vehicles sa bayan.
Inaasahang makatutulong ang aktibidad upang malinawan ang mga motorista sa kanilang obligasyon at sa regulasyon na ipinatutupad sa mga pampubliko at pangunahing kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






