DBM, tiniyak na mailalabas agad ang pondo para sa fuel subsidy

Nakahanda na ang pondong laan para sa fuel subsidy ng pamahalaan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) acting Sec. Tina Rose Canda na sa katunayan ay nakabinbin na ang kanilang release documents para sa P2.5 billion pondo.

Aniya, hinihintay na lamang nila ang joint memorandum circular ng Department of Transportation, Department of Energy at DBM para agad maproseso ang pagpapalabas ng pondo para sa fuel subsidy.


Paliwanag ni Canda, sa sandaling matanggap nila ang joint memorandum circular ay maipalalabas na nila ang pondo sa loob lamang ng 24 oras.

Paglilinaw pa nito na ibang usapin naman kung gaano kabilis maipapamahagi ang pondo para sa mismong mga benepisyaryo dahil nakadepende ito sa sistemang ipatutupad ng DOTR at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments